Wednesday, July 2, 2008

kuryente sa Upi naibalik na!

Ang kuryenteng supply ng Upi ay muli ng naibalik ng MAGELCO ngayong gabi.Ito ay pagkapos ng mahigit na dalawang linggo na pagtitiis ng mga taga Upi ng mawala ang serbisyong kuryente noong Hunyo 16,2008 4:45 ng hapon.Ngunit sa pagsasaya ng karamihan ay may iilan pa rin mga lugar na wala pang supply ng kuryente,ito ay ang Brgy.Borongotan. Naunang nawalan ng supply ang nasabing barangay noong Hunyo 16,2008 7:00 ng umaga at mag pasa hanggang sa pag uulat na ito ay di ba bumabalik ang kuryente. Ang nasabing pagbabalik ng supply ng kuryente ay naipangako ng Datu Maido Wawa,presidente ng MAGELCO. Ngunit bago naisakatuparan ay dumaan pa ito sa ilang mga aberya tulad ng putol na mga kawad , napabalitang tinumbang mga poste, at nasabit na kahoy sa mga kawad ng kuryente.